Humus: Dump | DeviantArt | Friendster | Eskwela | Multiply | Funchain |

 

Still under renovation



Mga Mala-Hipokritong Pahayag


Tila ang bagal ng panahon, at ang bawat araw ay mistulang isang napakahabang kalbaryo. Ngunit sa kabilang banda, tunay na nakagugulat ang bilis ng paglipas ng panahon, at Agosto na bigla. Ito na ang buwan na una kung matitikman ang hagupit ng kala-gitnaang pagsusulit ("Mid-Terms" hehe) at ngayon ko rin mapapatunayan sa aking sarili kung kahihindik-hindik at kagila-gilalas nga ba ang naturang pagsusulit, ayon sa mga bali-balita at tsismis mula sa aking mga nakilalang mas nakatanda sa akin sa Unibersidad.

Marahil ay nagtataka ka kung bakit biglaang lumiko ang aking katha mula sa aking nakasanayan na pagsusulat sa wikang Ingles, o marahil ay hindi ka na rin nagtataka, sapagkat malamang ay batid mong Buwan ata ng Wika ngayong Agosto. Iyon nga ang dahilan ng aking biglaang paggamit ng Wikang Tagalog, at dahil nga sadyang makabayan ako (heehee) at hindi ko maaatim na mabansagang lapastangang filibustero o isang taong mas malansa pa sa bulok na isda, kaya naman ang Wikang Tagalog ang aking gagamitin para sa buong buwan ng Agosto, upang mapatunayan sa aking sarili na hindi ko nilimot ang wikang aking kinalakihan at para na rin mahasa ang aking pagsusulat sa ating pambansang wika.

thrown by A.Paul @ 09:45,

0 Comments:

Post a Comment

<< Home