Humus: Dump | DeviantArt | Friendster | Eskwela | Multiply | Funchain |

 

Still under renovation



Makabagong Pamimirata

*bugtong-hininga* Alam ko na mayroon pa akong manipesto na kailangang tapusin, ngunit heto nga at nag-aaksaya lamang ng panahon...

Ngunit ano itong nahanap ko? Hindi lang pa lang mga "brand" ng damit at sapatos ang pinipeke, hindi lang pala pelikula ang pinipirata, at hindi lang mga programa sa telebisyon ang gingaya ng kalaban nitong istasyon, ngunit pati na rin pala ang "website" ay ginagaya...

Sa unang tingin pa lamang, alam mo na agad kung ano ang pinagkuhunan ng konsepto ng naturang "site". hindi maitatanggi ang pagkahawig nito sa Blogger. Iyong bisitahin ang Funchain, isang "site" na kinuha ang ideya ng Friendster/MySpace at isinama sa hitsura ng Blogger. Heto na rin nga pa lang ang adres ng aking katha sa Funchain nang ito ay aking subukan...

Sa kasalukuyang panahon, mayroon pa nga bang bagay na orihinal at ligtas sa mga namemeke?

thrown by A.Paul @ 18:26,

0 Comments:

Post a Comment

<< Home